P3-M ari-arian sinunog ng NPA
MANILA, Philippines - Aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang salakayin ang contruction site sa Barangay Licabang, bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Chief Supt. Billy Beltran na naisumite sa Camp Crame, bandang alas- 8:30 ng gabi nang sumalakay ang mga rebelde sa Ramona Construction kung saan kaagad na binuhusan ng gasolina ang mga truck na nakaparada at mga heavy equipments. Kabilang sa mga nawasak mga sasakyan ay ang puting Mitsubishi Canter (YEC 352), asul na Mitsubishi mini-dump truck, Isuzu dump truck (RHD 217). Matapos ang panununog ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kagubatan. Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang panununog.
- Latest