^

Probinsiya

Utak sa pinatay na lawyer, sakote

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang apat na buwang pagtatago, nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang itinuturong utak sa pagpatay sa environmentalist lawyer ng Bohol sa isinagawang operasyon sa Davao City noong Biyernes ng hapon.

Base sa ulat ni Criminal Investigation and Detection (CIDG) 7 Chief P/Supt. Royina Garma, kinilala ang suspek na si Lloyd Lancer Gonzaga.

Si Gonzaga ang itinuturong nasa likod ng pagpatay sa biktimang si Atty. Mia Mascariñas-Green, isang sikat na environmentalist lawyer.

Bandang alas-3 ng hapon nang masakote  ng pinagsanib na elemento ng CIDG-7 at CIDG 11 ang suspek sa raid sa Ladislawa Subdivision sa Barangay Buhangin, Davao City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagtatago ang suspek sa nasabing lungsod kaya agad ikinasa ang dragnet operation.

Pansamantalang nakapiit sa detention cell ng CIDG Region 11 sa Davao ang suspek na ibibiyahe patungong Bohol sa Lunes.

Magugunita na ang biktima ay pinagbabaril sa kahabaan ng JA Clarin Street sa Tagbilaran City, Bohol noong Pebrero 15, 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with