^

Probinsiya

Suspek sa Bulacan massacre arestado

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa Bulacan massacre arestado

Natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa loob at labas ng apartment ang mga biktimang minasaker ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing lango sa droga. Boy Santos
 

MANILA, Philippines - Naaresto na ang suspek sa karumaldumal na pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte City sa Bulacan.

Sa isang press briefing, sinabi ni Central Luzon police director Chief Superintendent Aaron Aquino na umamin ang isang Carmelino Ibañez, 26, na sabog siya sa ipinagbabawal na droga nang pinasok niya ang bahay ng mga Dizon.

Ayon sa suspek, bukod sa pagkasabog ay lasing din siya matapos makipag-inuman malapit sa bahay ng mga biktima.

BASAHIN: Pabuyang P100K sa ikalulutas ng Bulacan masaker

Dagdag niya na sa likod ng bahay siya dumaan kung saan nakita niya si Auring na natutulog. Aniya, kumuha siya ng kutsilyo sa kusina at agad na inundayan ng 32 saksak ang biktima.

Kumaripas naman palabas ng bahay si Estrella matapos masaksihan ang ginawa ni Iba?ez ngunit naabutan siya ng suspek at 45  sinaksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Inamin ng suspek na patay na ang mga biktima nang halayin niya ang mga ito.

Samantala, pinagsasasaksak din ni Iba?ez ang tatlong anak ng biktima na nasa ikalawang palapag ng bahay.

BASAHIN: Pamilya, 5 minasaker ng mga adik

Isang testigo ang naging susi sa pagkakadakip sa suspek matapos niyang makita si Iba?ez na duguan at may hawak na kutsilyo sa harap ng bahay ng mga Dizon alas-tres ng madaling araw.

Hindi pa naman malinaw kung sangkot sa pagpatay ang mga kasamahan ni Ibañez.

Depensa ng suspek, hindi niya pinlano ang krimen at tila may bumulong lamang sa kaniya na pasukin ang bahay.

Umaasa si Iba?ez na patatawarin siya sa nagawang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with