^

Probinsiya

Cockpit manager itinumba sa sabungan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 49-anyos na cockpit manager matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa parking area ng Cabuyao Coliseum sa kahabaan ng Pulo-Diezmo Road, Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Agustin Barrio ng Saint Joseph 6, Barangay Butong sa nasabing lungsod.

Napuruhan ng dalawang tama ng bala sa dibdib at namatay ang biktima habang ginagamot sa Holy Rosary Hospital.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Cecilio Ison Jr. na naisumite sa Camp Crame, kararating lamang ng biktima kasama ang misis nito lulan ng Mitsubishi Montero sa parking area ng sabungan nang lapitan at ratratain ng isa sa dalawang lulan ng motorsiklo.

Mabilis namang nagsitakas ang gunman lulan ng motorsiklo na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang naganap na krimen.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with