Pabuyang P100K sa ikalulutas ng Bulacan masaker
MANILA, Philippines – May naghihintay na P100,000 na pabuya sa kung sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikahuhuli ng mga suspek sa pangmamasaker ng isang pamilya sa Bulacan.
Ito ang inihayag ni San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes isang araw matapos ang karumal-dumal na krimen na ikinasawi ng limang magkakamag-anak.
Bumungad sa padre de pamilyang security guard na si Dexter Carlos Dizon Sr. ang duguang bangkay kaniyang biyenan, asawa, at tatlong anak matapos umuwi galing trabaho nitong Martes.
BASAHIN: Pamilya, 5 minasaker ng mga adik
Dinatnan ni Dizon na walang saplot at tadtad ng saksak ang biyenan at asawa niya na pinaniniwalaan na hinalay muna bago pinatay.
Magkakatabi naman sa kwarto ang tatlo niyang anak na tadtad din ng saksak.
Ayon sa pangunang imbestigasyon, dalawang tao ang kasalukuyang itinuturing na persons-of-interest.
- Latest