Ministro dinedo sa simbahan
QUEZON , Philippines – Napatay ang 46-anyos na ministro ng mga Kristiyano matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa loob mismo ng simbahan sa Sitio Panday, Barangay San Francisco sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Elena Echage ng nasabing barangay. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alvin Consolacion, nakatayo sa loob ng Christian church ang biktima nang dumating ang hindi kilalang lalaki. Nakipag-usap pa ang biktima sa suspek hanggang sa maganap ang pamamaril habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest