^

Probinsiya

Pamilya, 5 minasaker ng mga adik

Pilipino Star Ngayon
Pamilya, 5 minasaker ng mga adik

Natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa loob at labas ng apartment ang mga biktimang minasaker ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing lango sa droga. Mga kuha nina Boy Santos at Romeo “Boy” Cruz
 

BULACAN  , Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-ina at tatlong anak matapos itong pagsasaksakin ng mga hindi kilalang lalaki na sinasabing lango sa droga ay hinalay pa ang matandang babae at anak nitong ginang sa inuupahang apartment sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Auring Dizon, 60; Estrella Dizon, 35; mga anak ni Estrella na sina Donnie Carlos Dizon, 11; Ella Dizon, 7; at si Dexter Carlos Dizon Jr., 1.

Ang mag-inang Auring at Estrella ay kapwa hubo’t hubad na natagpuan at tadtad ng saksak ang mga biktima kung saan maging ang mga batang anak ay hindi rin pinatawad ng mga durugista.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Fitz Adolfo Macariola, hepe ng pulisya sa San Jose del Monte City, nadiskubre  ang  krimen bandang alas-9:45 ng umaga sa inuupahang apartment ng mga biktima sa Block 1 Lot 8 North Ridge Royal Subd. sa nasabing barangay.

Ayon kina SPO2 Daniel Ortega at PO3 Ronaldo Legaspi, nadiskubre ang krimen nang umuwi ang padre de pamilya na si Dexter Carlos Dizon Sr. mula sa kanyang trabaho bilang security guard.

Nagtaka umano si Dexter kung bakit tumatawag siya sa may gate ay wala ni isang nagbubukas gayong tanghali na at matindi na ang sikat ng araw.

Pinilit ni Dexter na makapasok kung saan tumambad sa kaniya ang bangkay ng kaniyang pamilya kung saan kapwa walang saplot ang kaniyang ina at misis na sinasabing ginahasa pa ng mga adik.

Nabatid din na may negosyo ang pamilya Dizon na pagbebenta ng mineral water sa kanilang lugar.

Samantala, wala namang palatandaan na puwersahang pagpasok sa apartment ng pamilya.

Sa kasalukuyan, blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspek habang patuloy naman ang im­bestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with