^

Probinsiya

Lolo kinatay ng sariling utol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napatay ang 60-anyos na lolo makaraang pagtatagain ng sariling kapatid habang nag-iinuman sa Purok 6, Barangay Mayon sa bayan ng Castilla, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Vicente Peralta Memorial Hospital ang biktimang si Jose Alvarado Jr. habang arestado naman ang suspek na si Salvador Alvarado, 62, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, masayang nag-iinuman ang magkapatid kasama ang ilang kamag-anak at kabarangay nang maungkat ang matagal ng alitan ng dalawa. Sumiklab ang mainitang pagtatalo kaya kumuha ng itak si Salvador saka pinagtataga si Jose hanggang sa duguang humandusay sa harap ng mga kainuman na hindi nagawang umawat dahil sa bilis nang pangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with