^

Probinsiya

NPA attack sa 2 police station, nasilat

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES, Philippines - Napigilan ng mga pulis ang tangkang pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa dalawang himpilan ng pulisya sa ba­yan ng Botolan, Zambales kahapon ng madaling araw.

Unang tangkang pag-atake ng mga rebelde sa base ng 2nd platoon ng Provincial Public Safety Company ng Zambales Provincial Police Office sa Barangay Taugtog.

Subalit naispatan naman ng isa sa mga pulis na naka-duty sa paligid ng base ang pagsalakay kaya agad pinaputukan ang mgarebelde hanggang mapilitang umatras patungo sa direksyon ng Sitio Bihawo.

Ilang minuto pa lamang ang nakalipas nang tangkaing lusubin ng mga rebelde ang mismong himpilan ng pulisya sa bayan ng Botolan.

Gayunman,  nakaalerto naman ang mga pulis na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde hanggang sa umatras din ang grupo ng NPA.

Ayon kay P/Senior Supt. Christopher Mateo, Zambales police provincial director, matagumpay na intelligence gathering at alistong tauhan ng dalawang police station kaya nabigong makubkob ng mga rebelde.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with