^

Probinsiya

60-anyos contractor itinumba

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – May posibilidad na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa isang 60-anyos na contractor na pinagbabaril ng mga ‘di kilalang suspek sa kahabaan ng Policarpio St., Brgy. Poblacion, ng San Isidro, ng lalawigan noong Biyernes.

 Kinilala ni  Sr. Supt. Antonio Yarra, Nueva Ecija Police provincial director, ang biktima na si Ricardo Magno ng Purok 7, Brgy. San Roque, San Isidro, NE na nasawi sa Good Samaritan Hospital sa Gapan City.

 Sa imbestigasyon, alas-7:05 ng umaga, kahahatid lang umano ng biktima sa tatlong apo at kanilang yaya sa General De Jesus College sa Brgy. Poblacion, sakay ng Hyundai Accent (UIT-985) nang habang papauwi ay biglang sumulpot ang mga ‘di kilalang lalaki sakay ng hindi naplakahang kulay abo na Toyota Vios. Pinagbabaril ang matanda na tinamaan  ng bala sa balikat, kanang bahagi ng katawan at likuran.

 Bagama’t may tama na,  nagawa pa ring i-drive ng biktima ang kotse nito hanggang sa mabangga nito ang concrete wall ng San Isidro Central Elementary School nang mawalan ng ulirat. Nang masiguro umanong hindi na mabubuhay ang biktima ay saka nagsitakas ang mga suspek sa direksyong kanluran.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with