^

Probinsiya

Kagawad todas sa engkuwentro

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Isang kagawad ang nasawi matapos umanong manlaban sa pulisya habang isinisilbi ang search warrant sa kanyang tinutuluyan sa Brgy San Antonio 1, Noveleta, ng lalawigan.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang konsehal ng barangay na si  Rodel Reyes, 59, may asawa, ng Blk. 5, Lot 24, Ivory St., Camella Homes, Brgy. San Antonio 1, Nove­leta.

Sa report ng pulisya, alas  6:15 ng umaga nang ikasa ng pulisya ang ope­rasyon laban sa suspek.

Bitbit ang search warrant na inisyu ni  Judge Agripino Morga, ng RTC Branch 29-32, San Pablo City, Laguna, sinalakay ng pulisya ang tirahan ng kagawad subalit pagdating nila sa lugar ay armado umano ang huli ng maiksing baril at agad na pinaputukan ang mga opera­tiba sanhi ng engkuwentro.

Duguan ang suspek nang humupa ang barilan at agad siyang itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas.

Narekober sa lugar ang isang cal .38 revolver, mga bala, 2 basyo ng bala, drug paraphernalia at 2 sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with