5 ‘tulak’ timbog sa drug bust
LUCENA CITY, Philippines - Limang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng Provincial at City Drug Enforcement Unit sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa lungsod kahapon. Ayon kay P/Supt.Art Brual Jr., chief of police dito, unang nadakip ng PDEU sa pamumuno ni Supt. Marlowe Torina sina Mercy Luna ng Talipan, Pagbilao, Quezon at Vilmor Pasamba ng Tayabas City matapos magbenta ng nasa 8.87 gramo ng shabu sa police asset dakong alas-11:30 ng umaga kamakalawa sa Brgy. Gulang-gulang. Nahuli rin si Julian delos Angeles ng CDEU matapos magbenta ng mahigit sa 30 gramo ng shabu dakong alas-3:45 ng madaling araw sa Brgy. Dalahican. Dakong alas 4:00 ng umaga nang masakote pa sa buy bust operation sina Ferdinand Legazpi at Diosdado Dequito na nakumpiskahan ng 9 plastic sachet ng shabu sa Brgy. 1.
- Latest