^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin, driver sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Nahulog sa matarik na bangin ang isang tractor trailer nang makatulog habang nagmamaneho ang driver nito sanhi ng kanyang malubhang pagkasugat habang nawawala ang isa nitong kasama sa Govs. Drive Brgy. Mabuhay, Carmona, ng lalawigan.

Nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Bayan ng Carmona si David Cortaza, 35, may asawa, driver ng Alson Transport Service habang pinaghahanap sa madamo at matarik na bahagi ng bangin ang kasamang si Rommel San Carlos, 18, binata, stay-in employee ng Alson sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Alas-3:00 ng hapon habang binabagtas ng mga biktima lulan ng tractor trailer ang lugar nang makatulog umano ang nasabing driver.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang trak at sumalpok ito sa poste ng Meralco at konkretong harang sa gilid ng kalsada at bumulusok pababa sa bangin.

Agad namang na-rescue ang driver subalit hindi makita ang katawan ng kasama nito na hinihinalang nahulog sa pinaka- ilalim ng bangin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with