^

Probinsiya

Preso pina-oral sex pa sa kapwa preso... 3 pulis inireklamo sa ‘torture’

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nasa “hot water” ang tatlong bagitong pulis-Cavite, makaraang ireklamo sa umano’y pagtorture sa isang preso habang nasa kanilang kustodya sa Bacao Outpost Custodial Center, Brgy. Bacao 2, Gen. Trias ng lalawigan.

Kinilala ang tatlong pulis na si PO2 Mark Jason Pepino, PO1 Ralph Marvin John Solpico at PO1 Daniel Sosa Jr.  pawang mga mi­yembro ng Gen. Trias MPS.

Nakilala naman ang presong biktima na si Sa­muel Odin Nalong, 21-an­yos, binata, ng Section J, Blk. 49 Lot 9, Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Sa report, inaresto ang biktima nitong Hunyo 12, 2017 sa paglabag sa Section 5 & 11 ng Art 02 ng RA 9165 o kasong droga at ikinulong sa Bacao Outpost.

Ayon kay Nalong, nitong Hunyo  17, inilabas siya ng kulungan ng alas -10:00  ng gabi at piniringan ang kanyang mga mata bago siya dinala sa kitchen ng police outpost at dito umano siya hinataw ng kahoy at binugbog. Nang magsawa ang tatlong pulis, muling ibinalik ng kulungan ang biktima.

Muli umanong naulit ang pananakit kinabukasan ng alas-10:00-11:00 ng gabi sa kitchen ng outpost at matapos siyang bugbugin ay pinilit pa umano siyang makipag-oral sex sa isang pang preso na si Ernesto Buco. Bago umano siya ilipat sa Manggahan outpost, pinalipas pa ang ilang araw bago siya ipa-medical ng mga pulis sa Gen. Trials Medicare Hospital at Gen. Trias Medical Center ng mga pulis sa direktiba umano ni PCI Bryan Merino, OIC ng Gen. Trias MPS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with