^

Probinsiya

Pahinante hulog sa trak patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGASPI CITY, Albay, Philippines - Basag ang ulo ng isang pahinante nang mahulog sa sinasakyang truck habang binabaybay ang kahabaan ng Sabloyon Road sa Brgy. Basag. Ligao City, ng lalawigan kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang biktimang si Charlito Nig, ng Poblacion, Malinao, Albay pero idineklarang patay. Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-5:30 ng hapon, nakasakay ang biktima at tatlong iba sa likod ng isang truck (WCW-129) na minamaneho ni Edwin Buban, 44, ng Brgy. Estancia, Malinao patu­ngong Tabaco City nang aksidenteng mahulog ito habang naka-upo sa gilid. Nabasag ang bungo ng biktima nang tumama ang ulo sa sementadong kalsada. Iniimbestigahan na ng pulisya kung may pananagutan ang driver ng truck sa pagkakahulog at pagkamatay ng kanyang pahinante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with