^

Probinsiya

Drug suspek dedo sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  -  Napatay ang 31-anyos na sinasabing drug pusher na nasa drug watchlist matapos itong makipagbarilan sa inilatag buy-bust operation sa Barangay Wawa II, bayan ng Rosario, Cavite, kahapon. Kinilala ng pulisya ang na­patay na si John Rey Adrales, umano’y miyembro ng Elmer Morales Taba Group na may operasyon ng drug  trade sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, inilatag ng mga pinagsanib ng puwersa ng pulisya at PDEA ang buy-bust operation laban kay Adrales subalit nakatunog ito kung saan humantong sa palitan ng putok ng magkalabang panig. Bulagta naman si Adrales habang sugatan si SPO1 Allan Villanueva matapos itong tamaan sa binti. Narekober sa encounter site ang cal. 38 revolver na paltik, mga basyo ng bala, 3 plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia at marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with