^

Probinsiya

3 utas sa anti-drug operation

Pilipino Star Ngayon
3 utas sa anti-drug operation

Tatlong kalalakihan na sinasa­bing may kaugnayan sa drug trade ang napatay sa inilatag na magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng madaling araw. File

BULACAN , Philippines  - Tatlong kalalakihan na sinasa­bing may kaugnayan sa drug trade ang napatay sa inilatag na magkakahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga napaslang ay sina Mark Les­ter Marimon, 26, ng Brgy.Tambubong; Julius Avila, 26, ng Brgy. Caingin; at si Ronald Francis “Botong” Gariando, 28, ng Brgy.Graceville, San Jose Del Monte City habang arestado naman si Mary Ann Garcia.

Base sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos, sina Marimon at Avila ay napatay sa shootout makaraang kumasa sa anti-drug operation sa Barangay Tambubong sa bayan ng San Rafael.

Nasakote naman ang kasabwat ng dalawa na si Garcia.

Samantala, isinagawa naman ang buy-bust o­peration ng mga tauhan ni P/Supt. Fitz Macariola laban kay Gariando subalit kumasa ito kaya napilitang ratratin ng mga pulis sa Barangay Graceville sa San Jose Del Monte City.

Narekober sa encounter site ang dalawang cal.38 revolver na may mga bala, walong plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia at P1000 marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with