^

Probinsiya

2 ‘sinalvage’ sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Dalawa-katao na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Bacoor City at bayan ng Ternate, Cavite kahapon. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, unang natagpuan ang bangkay ng lalaki sa Bara­ngay Molino 4 sa Bacoor City na may edad 30 hanggang 40, naka-green t-shirt at asul na boxer short kung saan may tattoo sa kaliwang balikat na tribal at Satan naman sa kanan. May palatandaang binigti saka sinaksak sa kaliwang dibdib kung saan narekober ang tatlong plastic sachet na shabu. Samantala, natagpuan naman sa bahagi ng Governor’s Drive sa Barangay Sapang 1, bayan ng Ternate ang isa ring lalaki na may taas na 5’6” hanggang  5’9”, naka-gray stripe polo shirt, brown jeans, at  may itim na coin purse na nakakabit sa bewang. Nakabalot sa kulay brown na blanket at plastic garbage bag na may masking tape ang bangkay ng lalaki.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with