Minero dinedo sa inuman
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang 25-anyos na minero matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa ilang kamag-anak sa Sitio Barrio Site, Barangay Luy-A sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nakikipag-iinuman ang biktimang si Antonio Andaya sa mga kamag-anak nang lumapit ang gunmen. Pinadapa ang mga nag-iinuman saka nilapitan at niratrat ang biktima. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa alitan sa minahan ng pinapasukan ng biktima ang motibo sa pamamaslang.
- Latest