^

Probinsiya

NPA ambush: 4 sundalo sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na sundalo ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa liblib na hangganan ng Barangay Somoge at Barangay Polangi sa bayan ng Catarman, Northern Samar noong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Army’s 8th Infantry Division, bandang alas-9:10 ng gabi nang maganap ang pananambang sa tropa ng Army’s 20th Infantry Battalion sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyang lulan ang pitong enlisted personnels ng Army’s 20th Infantry Battalion  sa KM250 military truck nang tambangan ng mga rebelde.

Gayunman, tumanggi muna si Major Gen. Raul Farnacio, commander ng Army’s 8th Infantry Division na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga nasugatang sundalo dahil kaila­ngan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.

Agad namang sinaklolohan ng Army’s 43rd Infantry Battalion ang mga sundalong nasugatan.

Kaugnay nito, inalerto na ni Farnacio ang tropa ng militar sa Eastern Visayas laban sa posible pang pag-atake ng NPA rebels.

Nabatid na ang AFP ay nasa defense mode na nireres­peto ang mga kasunduan sa isinusulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with