^

Probinsiya

Koreano nawala sa gubat, nasagip

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Koreano nawala sa gubat, nasagip

Pasan-pasan ng isang pulis-Barlig ang Koreanong nasagip makaraang mawala sa Mt. Ammoyao sa bayan ng Barlig Mt. Province kamakalawa. Photo courtesy ng Barlig police

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Lumitaw na rin ang 56-anyos na Koreano na naiulat na nawawala simula pa noong Martes (Hunyo 13) dahil sumuong sa kagubatan ng nag-iisa at naligaw matapos itong  makarating sa isang bahay na halos mawalan ng ulirat sa Sitio Sikling, Barangay Latang sa bayan ng Barlig, Mt. Province noong Martes.?

Sa ulat ng Barlig PNP, nadatnan ni Joselito Tucyap ang biktimang si Choi Sun Kyu na nakahiga sa tabi ng kanyang bodega dakong alas-9 ng umaga kaya agad niyang ipinabatid sa pulisya ang pangyayari.?

Ayon kay P/Senior Insp. Barnard Navarra, kinaila­ngang kargahin at kalaunan ay ilagay sa stretcher ang biktima habang itinatawid sa kabundukan patungo sa Barlig District Hospital. ?

Matatandaan na umalis sa kanyang hotel sa Poblacion ng Barlig si Kyu noong Hunyo 13 upang maglakad patungo sa pamosong Batad rice terraces sa bayan ng Banaue, Ifugao sa pagsuong sa gubat ng Pulag trail na nag-iisa.?

Kinumpirma ni P/Chief Insp. Carol Lacuata, taga­pagsalita ng Cordillera PNP na tumangging mangupahan ng tour guide ang Koreano dahil kaya nito ang kanyang sarili.?

Bunga ng kanyang pagtitipid ay nagkaligaw-ligaw si Kyu sa gubat ng kabundukan kaya Latang lata ito sa gutom nang ma­diskubre ng mga awtoridad. ?

Nabatid din sa ulat na tumanggi rin si Kyu na magbayad ng P25 registration fee sa local na pamahalaan ng Barlig upang magsagawa ng pamumundok.?

Inilipat sa kabisera ng Bontoc kahapon si Kyu kung saan siya sinalubong ng mga kaanak at mga kinatawan ng Korean Embassy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with