3 arestado sa arms cache
PAMPANGA, Philippines – Tatlo-katao ang nadakip sa inilatag na OPLAN Paglalansag Omega ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahagi ng Lapidsville Subd., Barangay Sapang Maisac sa Mexico, Pampanga noong Linggo ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Rommel C. Labalan, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Eng. Amelito Dela Cruz y Santos, 41; Kenneth Rojas y Del Pilar, 41; at si Rodante Salas y Aldabe, 22, mga nakatira sa Block 2, Lot 9, Road 3 sa nasabing subdivision. Ang pagkakaaresto sa tatlo ay base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Celso O. Baguio ng Regional Trial Court Branch 34, Gapan City, Nueva Ecija. Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng armas, mga bala at iba pa. Kasalukuyang nakakulong sa CIDG Pampanga detention cell ang mga suspek.
- Latest