^

Probinsiya

Lolo todas sa salpok ng motor

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 85-anyos na lolo makaraang masalpok ng motorsiklo ng tatlong menor-de-edad sa kahabaan ng Lopez- Buenavista Road sa Barangay Silang, bayan ng Buenavista, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pobleo Villaplana ng Barangay San Pablo habang nasa pangangalaga naman ng lokal na sangay ng DSWD ang tatlo na itinago sa mga pangalang Lemuel, Gino at Leo, mga 15-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, tumatawid sa kalye ang matanda nang mabangga ito ng motorsiklo na sinasak­yan ng tatlo dakong alas-3 ng hapon. Tumilapon ng ilang metro ang matanda at nabagok ang ulo gayundin ang tatlo na bahagyang nagtamo ng mga sugat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with