Jailbreak 5 preso nakapuga
ORIENTAL MINDORO, Philippines - Limang preso na nahaharap sa mga kasong kriminal ang nakapuga sa Bureau of Jail Management and Penology sa Barangay Malinao, bayan ng Naujan, Oriental Mindoro kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Supt. Imelda Tolentino, PIO ng Oriental Mindoro Provincial Office ang mga pugante na sina Remegio Orfrecio (R.A 9262/violence against women and children); Toribio Mercado (may kasong rape); Ananias Dalisay at Marvin Montemayor na kapwa may kasong illegal drugs; at si Marlon Genabe (kasong theft).
Base sa police report, nadiskubre ni SJO1 Bernardo Baldesco, duty jail officer ng Naujan BJMP, ang winasak na rehas ng bakal sa cell number 1 at 2 habang nagsasagawa sila ng inspection bandang alas-2:30 ng madaling araw.
Agad na nagpalabas ng alarma ang BJMP sa lahat ng police station sa nasabing lalawigan para masakote ang mga pugante.
- Latest