Habal-habal driver, itinumba
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines - Sabog ang ulo ng 30-anyos na habal-habal driver makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa Sitio San Francisco, Barangay Luy-a sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Carl M. Bulalacao ng Barangay Lanang. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, naghihintay ng pasahero ang biktima nang lapitan at pagbabarilin dakong alas-4:30 ng hapon. Kaagad na tumakas ang gunmen patungo sa direksyon ng Barangay Panique. Narekober sa crime scene ang 10-basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest