^

Probinsiya

Driver dedo sa road mishap

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

MORONG, Bataan, Philippines – Patay ang isang driver makaraang sumabit ang minamanehong tricycle nito sa kaliwang bahagi ng isang van sa kahabaan ng National Road 168 Napot Nagbalayong, Morong, ng lalawigan kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Antonieto Romualdez, may hustong gulang at nakatira sa 210 Benedict St. Sta Lucia, Samal, Bataan. Sa ulat ni PO1 Reymar Gaffud, ng Morong Municipal Police Station, dakong alas-9:40 ng umaga habang tinatahak ng isang Toyota HiAce (XRK-835) na minamaneho ni  Romnick Ponestas, ang nasabing lugar patungong timog nang makasalubong nito sa kurbadang kalsada ang Honda TMX 125 na minamaneho ng biktima mula sa kabilang direksyon. Habang paliko sa kurbadang daan ang tricyle, nakain nito ang kaliwang bahagi ng daan sanhi upang masabit nito ang kaliwang bahagi ng van hanggang sa bumaliktad ang tricycle at tumama ang ulo ng biktima sa sementong daan na ikinamatay nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with