^

Probinsiya

Taiwanese lunod sa dagat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na Taiwanese ang nasawi matapos na malunod habang nagi-snorkeling kasama ang kaniyang kapatid at mga kaibigan sa karagatan ng Brgy. Bintuan, Coron, Palawan kamakalawa ng tanghali.

 Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) IV ang biktima na si Liao Wei Kai, binata, pansamantalang nanunuluyan sa Nanay Vacation Home, Brgy. Poblacion 6, Coron ng lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-11 ng tanghali habang nagi-snorkeling ang biktima kasama ang kapatid na si Liao Ying Ju, at Chou Yen Han at iba pang mga turista sa karagatan ng East Tangat Shipwreck , Brgy. Bintuan, Coron nang mapansin na lamang ni Ying Ju na nakasubsob ang mukha ng kapatid sa tubig pero hindi gumagalaw at ng kanyang siyasatin ay napansin na puro bula ang snorkeling mask nito.

 Agad na sumaklolo si Arjay Pontillar at kasamahan nitong mga divers sa biktima na agad binigyan ng cardio pulmonary resuscitation  bago ito dinala sa Coron District Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with