^

Probinsiya

3 parak nasapol ng landmine, sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Sugatan ang tatlong personnel ng Magpet Police matapos na masabugan ng landmine ang sinasakyan nilang patrol car sa bisinidad ng Brgy. Marbel, Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, galing sa bayan ng Magpet ang nasabing mobile patrol ng Magpet Police na papunta sana ng Kidapawan City nang masabugan ng itinanim na bomba sa nasabing lugar dakong alas-2:30 ng hapon.

Kinilala ang mga sugatan na si PO1 Kenneth Enghong, PO1 Jorvel Baliguat at PO2 Reymael Sarigumba.

Wasak ang harapan ng patrol car pero nagawa pa itong makatakbo palapit sa detachment ng sundalo sa bahagi ng Brgy. Gubatan na nasa Brgy. Gubatan ng bayan ng Magpet.

Nabatid na pangalawang insidente na ito ng pagpapasabog sa mga patrol car ng pulisya na ang una ay sa Brgy. Sikitan sa Pres. Roxas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with