^

Probinsiya

Trader inambus habang nagdya-jogging

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 62-anyos na negosyante matapos na abangan at barilin nang malapitan sa ulo habang nagdya-jogging sa Brgy. San Mateo, Dasmariñas City kahapon. Kinilala ang biktima na si Pepito Acar, may asawa, ng Blk. JB9 Lot 3, Brgy. San Simon Area C, Dasmariñas City. Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-6:20 ng umaga habang tumatakbo at nagdya-jogging ang biktima nang salubungin ng naglalakad lamang na suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ng baril at pinuntirya ang kanyang ulo. Nagawa pa siyang maitakbo sa ospital subalit idineklarang patay. Narekober ng pulisya sa lugar ang (1) unit ng fired cartridge case, at (1) unit ng deformed slug. Away sa lupa ang lumalabas na motibo sa pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with