^

Probinsiya

Pusher utas, 12 timbog sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pusher utas, 12 timbog sa drug ops

Sinisiyasat ng SOCO ang nakabulagtang katawan ni alyas Jay na nasawi matapos na umano’y kumasa sa mga tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr. sa isinagawang drug buy bust operation na ikinaaresto ng 12 pang hinihinalang tulak at gumagamit ng ilegal na droga sa boundary ng Brgy. Tuktukan at Brgy. Poblacion sa Guiguinto, Bulacan. Kuha ni Boy Cruz

BULACAN, Philippines - Isa ang nasawi habang 12 katao na sinasabing mga tulak at lulong sa shabu ang naaresto ng pulisya matapos na isagawa ang panibagong drug bust operation sa iba’t ibang bayan sa Bulacan, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala lamang ng pulisya ang napatay na umano’y tulak ng droga sa alyas na “Jay”, tinatayang nasa 28-30 anyos. 

Nadakip sa operasyon sina Santiago Landayan, 40; Francisco Santos, 31; Ma­nuelito Sanchez, 48; Pablo Palomia, 38; Wilma Rodriguez, 38;Jennifer Berdin, 29; Reynaldo Geronimo, 62, kapatid ng isang aktibong pulis; Marcos Valle, 23; Wendy Iwakawa, 31,live-in partner nitong si Eagle Fernando, 31; Jon-Jon Bondoc, 42 at Ronnel Reyes, 31. 

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ng Guiguinto Police sa Kampo Alejo Santos, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang isagawa ang transaksyon ng police poseur buyer kay Jay sa Brgy. Tuktukan at Brgy. Poblacion ngunit nang makahalata ang suspek ay agad umano siyang bumunot ng baril sanhi upang gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta ng kamatayan nito.

Nasakote naman ang iba pang mga suspek habang narekober sa mga operas­yon sa lalawigan ang isang .38 revolver, mga bala, 42 sachet ng shabu, drug paraphernalias, marked money at skeleton type na motorsiklo ng nasawing suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with