^

Probinsiya

Total blackout sa Marawi, Lanao del Sur

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dahil sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Marawi City dulot ng paghahasik ng karahasan, pambobomba at panununog ng Maute terrorist group, nakararanas ngayon ng malawakang blackout ang nasabing lungsod at ang buong lalawigan ng Lanao del Sur.

Ayon kay Nordiana Ducul, general manager ng LASURECO o Lanao del Sur Electric Cooperative, lubhang naapektuhan ng labanan ang mga linya ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines na siyang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad sa lalawigan.

Sa ngayon aniya, hindi makakilos ang mga tauhan ng NGCP upang ayusin ang mga nasirang pasilidad dahil sa takot na madamay sa labanan sa pagitan ng militar at Maute.

Sinabi ni Ducul na ina­bandona na rin nila ang kanilang tanggapan sa Marawi City makaraang magtangkang magkanlong doon ang Maute Group.

Ayon kay Ducul, sa kabila ng takot ay napilitan siyang makipag-usap sa Maute group at binigyan naman sila ng limang minuto para lisanin ang LASURECO.

Ilang sandali lamang aniya matapos nilang lisanin ang LASURECO ay sumiklab na ang labanan sa pagitan ng militar at ng Maute group.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with