^

Probinsiya

Tattoo artist itinumba sa tindahan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 38-anyos na tattoo artist na sinasabing nakalista bilang ika-9 na drug personality matapos itong ratratin ng nag-iisang lalaki sa harap ng tindahan sa Barangay District 2, Cauayan City, Isabela noong Miyerkules ng gabi. ? Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police ang napatay na si Rafael Tuppal ng Barangay Turayong at sumawsaw na rin sa Oplan Tokhang ng pulisya noong 2016. Nagsitakbuhan at nagsigawan ang mga tao sa paligid nang lapitan at ratratin ng gunman ang ulo ni Tuppal na hinihintay ang sukli sa biniling mani sa tindahan. Ayon sa ilang testigo, tumakas ang gunman sakay ng itim na Toyota Innova na walang plate number. ? Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with