^

Probinsiya

Magtiyuhin nadaganan ng trak, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magtiyuhin nadaganan ng trak, todas

Umabot sa limang oras bago lamang naialis ng rescue team ng pulisya sa pagkakadagan ang mga biktimang sina Bobby Paminar, 36; at Carl Christopher Paminar, 17,mga residente sa naturang lugar. File

MANILA, Philippines - Patay ang magtiyuhing magkaangkas sa motorsiklo makaraang madaganan ng trailer truck na tumagilid sa bahagi ng Ortigas Avenue sa Antipolo City, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Umabot sa limang oras bago lamang naialis ng rescue team ng pulisya sa pagkakadagan ang mga biktimang sina Bobby Paminar, 36; at Carl Christopher Paminar, 17,mga residente sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang tumagilid ang truck na minamaneho ni Jay Almeda, habang bumibiyahe ito sa Ortigas Avenue Extension sa Antipolo City.

Nagkataon namang nasa gilid ng trak ang magtiyuhing magkaangkas sa motorsiklo kaya naganap ang sakuna.

Gayunman, hindi naman kaagad nalaman ng mga rescuer na may nadaganang tao ang truck dahil sa dami ng scrap metals ang nagkalat sa trailer truck na tumagilid kaya hindi kaagad nakuha ang mga biktima.

Dakong alas-6 ng umaga nang mag-clearing operations kung saan pagsapit ng alas-7 ng umaga nang marekober ang bangkay ng mga biktimang napisak dahil sa bigat ng mga scrap metals na bumagsak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with