^

Probinsiya

Sundalong bihag ng NPA, pinalaya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos tatlong linggong pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang bihag na sundalo sa Valencia City, Bukidnon noong Martes ng gabi. Sa ulat ng Army’s 4th Infantry Division, kinilala ang pinalayang sundalo na si T/Sergeant Joseph Paredes. Si Paredes ay sinalubong ng kaniyang misis at mga anak sa bahay ng alkalde sa Barangay Catumbalon, Valencia City. Base sa tala, ang nasabing sundalo ay dinukot ng mga rebelde noong Biyernes (Mayo 5) sa Valencia City habang naka-off–duty. Ang pagpapalaya sa nasabing bihag ay sa gitna na rin ng itinakdang  ikalimang round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front sa The Netherlands sa Hunyo 2017. Nakatakda namang isailalim sa stress debriefing ng militar ang pinalayang bihag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with