1 dedo, 6 sugatan sa road mishap
CAVITE, Philippines - Patay ang 62-anyos na kawani ng resort habang anim naman ang nasugatan makaraang sumalpok sa poste ng kuryente ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng Governor Ferrer Drive sa Barangay Buenavista 1, General Trias City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si Erlinda Banjawan, kawani ng La Traviesa Resort, at nakatira sa Barangay Alapan 1, Imus City, Cavite. Sugatan naman sina Christopher Daniel Jaino, 13; Christian Dave Jaino, 10; Jenelito Escobilla, 28; Ely Baliat, 43; Zenith Jao, 46; at ang driver ng FX Tamaraw na si Arturo Jao Jr., 44. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nag-overtake ang FX Tamaraw (UDF738) ng mga biktima sa sinusundang sasakyan subalit nawalan ng kontrol ang driver matapos mamataan ang kasalubong na isa pang sasakyan. Dito na sumalpok sa poste ng kuryente ang nasabing sasakyan.
- Latest