^

Probinsiya

3 suspek sa councilor slay, arestado

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG Provincial Public Safety Company, Provincial Intelligence Branch at Hermosa Police Station ang tatlo sa apat na miyembro ng Cabiling Criminal Group na iniugnay sa pagpaslang sa municipal councilor sa Barangay Mambog sa bayan ng Hermosa kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Chairman Enrico Cabiling Jr., 36; ng Barangay Mambog; Xernan Jorge, 32, ng Barangay Daungan; Emmanuel Rivera, 51, ng Barangay San Pedro, Hermosa; at si Rex Cabiling, anak ni Chairman Enrico na kasalukuyang tugis ng pulisya.

Nasakote ang mga suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.

Nasamsam sa mga suspek ang M16, tatlong cal. 45 pistol, dalawang cal. 40 pistol, 3 magazine ng M16, 83 bala para sa cal. 5.56, 6 magazine ng cal. 45 pistol, 60 bala ng cal. 45 pistol, magazine ng cal. 40 pistol, 14 bala cal. 40 pistol at granada.

Ang mga suspek ay sinasabing sangkot sa pagpatay kay Hermosa Councilor Danilo Basi noong April 29 ng tanghali kung saan nagbigay ng pabuyang P1.3 milyon sina Bataan Governor Albert Garcia at Hermosa Mayor Jopet Inton sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with