^

Probinsiya

Jeepney swak sa bangin: 3 utas, 18 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Jeepney swak sa bangin: 3 utas, 18 sugatan

Pinagtutulungan ng ilang residente at tauhan ng search and rescue team na mailigtas ang mga sugatang pasahero ng jeepney na nahulog sa bangin sa Barangay Hidhid sa bayan ng Matnog, Sorsogon noong Martes ng hapon. Photo courtesy ng RPIO/PRO5

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang 18 naman ang sugatan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang pampasaherong jeepney sa gilid ng Maharlika Highway sa Sitio Colonia, Barangay Hidhid sa bayan ng Matnog, Sorsogon noong Martes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Josefa Hilao, 78; Judy Hilao, 60, mga nakatira sa Barangay Pagtabunan; at si Bermalet Alcantara, 32, ng Tabaco City, Albay.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Medicare and Community Hospital, Sorsogon Provincial Hospital at sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga sugatang sina Adelaida Zamora, Robert Gabad, John Magararo, Beatriz Magararo, Marlon Gabero, John Elnar, Rowena, Raul Geneblazo, Ajay Geneblazo, Crissa Belo, Liza Belo, John Paul Cadag, Raymund Gabelo, John Lee Russel Gavarra, Jonathan Gallanosa, Rodel Biñas, Jeffrey Jose, Roland Cordero, Lory Garrido, Jovelito Igloso, Jonathan Gallanosa, Nelia Gacis, Randy Pastor at si Roema Sarmiento.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Camp Simeon Ola, nawalan ng kontrol sa manibela ng jeepney si Joey Garalde na patungong Sorsogon City mula sa bayan ng Matnog pagsapit sa kurbadang highway.

Gayunman, sumalpok ang jeepney (EVU 783) sa railing ng highway saka nahulog sa may 30 metrong lalim na bangin bandang alas-4:30 ng hapon.

Isinailalim na sa kustod­ya ng pulisya ang driver ng jeepney na nahaharap sa mga kasong imprudence resulting to multiple homicide and multiple physical injuries. Dagdag ulat nina Francis Elevado at Joy Cantos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with