^

Probinsiya

87-anyos pilgrim natagpuang patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Natagpuang patay ang 87-anyos na pilgrim na napaulat na nawawala matapos itong umakyat sa Mt. Banahaw sa bayan ng Dolores, Quezon, ayon sa ulat kahapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Gregorio Carpela ng San Pablo City, Laguna. Nabatid na ilang araw ng nawawala ang biktima matapos na umakyat sa nasabing bundok bilang bahagi ng pamamanata nito at huling nakitang buhay noong Mayo 4. Ayon sa pulisya, natagpuan ng ilang residente ang biktima habang lumulutang sa ilog sa Barangay Sta. Lucia sa nasabing bayan dakong alas-12 ng tanghali. Pinaniniwalaan namang nadulas ang matanda hanggang sa mahulog sa ilog at malunod. Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with