Cenro officer utas sa tandem
MANILA, Philippines - Napatay ang isang opisyal ng Community Environment and Natural Resources (CENRO) matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harapan ng Aglipayan Church sa Barangay Poblacion, bayan ng Narra, Palawan kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Chief Supt. Wilben Mayor, director ng Police Regional Office IV B na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Fernando Padilla Alejo, officer-in-charge ng CENRO sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at nakatira sa Brgy. Antipuluan. Nabatid na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang pagbabarilin ng tandem. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol, motorcycle at backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan ng biktima.
- Latest