^

Probinsiya

Sanggol kinidnap ng yaya, nabawi

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Sanggol kinidnap ng yaya, nabawi

Nakapiling muli ng mag-asawang Mejia ang kanilang anak na si Princess Kellie sa WCPD office ng Cauayan City Police Station. Kuha ni Raymund Catindig

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Matagumpay na nabawi ng mga operatiba ng Cauayan City police ang 7-buwan gulang na sanggol na babae na sinasabing dinukot ng kanyang yaya, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng pulisya ang sanggol na si Baby Princess na anak ng mag-asa­wang Rojenio at Girlie Mejia ng Barangay 122, Caloocan City.

Pormal namang kakasuhan ang naarestong suspek na si Josephine Asuncion, 49, ng Iguig sa Cagayan.

Ayon kay P/Supt. Narcisco Paragas, hepe ng Cauayan City police, dakong alas-8 ng gabi kamakalawa nang madakip si Asuncion at mailigtas ang sanggol sa Barangay Gappal sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na tina­ngay ng suspek ang sanggol ng mag-asawang Rojenio at Girlie Mejia sa Barangay 122, Caloocan City noong Biyernes ng hapon batay sa CCTV camera footage ng nasabing Barangay.

Ayon sa driver ng tricycle na sinakyan ng suspek na nagpahatid ang yaya na kalong ang sanggol sa bus terminal patungo sa Cagayan Valley.

Sa ulat naman ni P/Senior Insp. Esem Galiza, pinuno ng Cauayan City WCPD, natunton ang bata makaraang maghinala sina Kagawad Dionisio Agcaoili at Jose Bramaje sa pagbili ng baby diapers ni Christopher Vidad na sinasabing nobyo ni Asuncion.

Ini-report ng mga opis­yal sa pulisya si Asuncion at ang bata na nanunuluyan sa bahay ni Vidad matapos mapanood ang balitang kidnapping sa telebisyon. ?

Dito na nadakip ang mga suspek kabilang ang nobyong si Christopher sa kanilang bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with