^

Probinsiya

Lalaki lasog sa bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGASPI CITYY, Albay, Philippines – Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang tumatawid na lalaki makaraang mabangga nang rumaragasang bus sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Matacon sa bayan ng Polangui, Albay noong Sabado ng gabi. Sinubukan pang isugod sa Josefina Belmonte Duran Hospital pero dineklarang patay ang biktimang si Noli Ibias, ng nasabing barangay. Sa ulat sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-6:50 ng gabi  habang tumatawid ang biktima sa highway nang masalpok ng Silverstar Bus (TYL-280) mula Maynila at patawid ng Samar na minamaneho ni Lorenzo Alinsud, ng East Cabulusan, Cupang, Muntinlupa. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro sa kalsada ang biktima na agad namatay. Hawak na ng Polangui Police ang driver ng bus na nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with