^

Probinsiya

Ina, 6-anyos anak patay sa flashflood

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ina, 6-anyos anak patay sa flashflood

Sa imbestigasyon ni Senior Police Officer 4 Irvin Laude, naglalaba ng kanilang mga damit ang Ginang na pina­ngalanan lamang na Cathe­rine, 32, kasama ang dalawa nitong anak na sina John Rib, 6-anyos at Glyzel, 2-anyos nang biglang rumagasa ang tubig baha at umapaw ang nasabing ilog dahil sa mga pagbuhos ng malakas na ulan sa kanilang lugar na naipon pa sa kabundukan. File

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Patay sa pagkalunod ang isang mag-ina makaraang tangkaing isalba ng Ginang ang kanyang 6-anyos na anak sa matinding pagragasa ng flashflood mula sa Ebreo River at naipong ulan sa bundok sa Purok Sampalok, Barangay Tres de Mayo, Digos City, Davao del Sur, iniulat kahapon.

Sa imbestigasyon ni Senior Police Officer 4 Irvin Laude, naglalaba ng kanilang mga damit ang Ginang na pina­ngalanan lamang na Cathe­rine, 32, kasama ang dalawa nitong anak na sina John Rib, 6-anyos at Glyzel, 2-anyos nang biglang rumagasa ang tubig baha at umapaw ang nasabing ilog dahil sa mga pagbuhos ng malakas na ulan sa kanilang lugar na naipon pa sa kabundukan.

Dahil sa mabilis na pag­ragasa ng tubig mula sa kabundukan, tanging ang anak na si Glyzel ang unang naiahon ni Chaterine sa gilid ng ilog subalit nang kanyang balikan ang isa pang anak na si John Rib ay bigo na ang dalawa na makaahon nang lalong lumakas at tumaas ang baha sanhi upang kapwa tangayin at malunod.

Mabilis namang sumaklolo ang mga nakakita sa nasabing insidente at agad na isinugod ang mag-ina sa Medical Center of Digos Cooperative (MCDC) sa nasabing lungsod pero kapwa idineklarang patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with