^

Probinsiya

Propesor itinumba ng tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Patay ang isang lalaking professor ng pampublikong paaralan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang papasok sa loob ng kanyang bahay sa Brgy.Tanawan, Bustos, lalawigang ito kamakalawa.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Geronimo Salamat 45, ng Raymundo St., Brgy.Tanawan at propesor ng Bulacan State University, pawang sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Eduardo Solian at PO3 Gideon Vera, dakong alas-7:45 ng gabi nang dumating ang biktima sa harap ng kanilang bahay lulan ng Ford Ranger pickup (RKA-792).

Habang hinihintay nito ang pagbukas ng kanilang gate nang biglang dumating ang dalawang magkaangkas na lalaki sa hindi naplakahang motorsiklo at agad na bumaba ang backrider saka lumapit sa sasakyan. Nang positibo sa target, agad na pinaputukan nang sunud-sunod ang biktima. Matapos ito, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi nabatid na direksyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with