^

Probinsiya

Misis bulagta sa mister!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Misis bulagta sa mister!

Kinilala ni Sr. Insp. Prospero Agonoy, hepe ng Cabanatuan, ang napatay na si Jaime Natividad, 57-anyos na may negosyong furniture sa nasabing lugar. Sinabi ni Agonoy, nag­responde si PO3 Francis Bayona sa sunud- sunod na putok sa bahay ni Nati­vidad dakong alas-7:30 ng umaga at doon nadatnang naliligo na sa sariling dugo si Leonila Natividad, 47, sa harap ng mister.? File

Suspect utas din sa rumespondeng parak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Dahil sa hinihinalang pagseselos, bulagta ang isang Ginang matapos na pagbabarilin ng sarili nitong mister na negos­yante na agad ding napatay nang makipagbarilan sa isang rumespondeng pulis sa kanilang tahanan sa Brgy. Lapaz, Cabanatuan, Isabela kahapon.

Kinilala ni Sr. Insp. Prospero Agonoy, hepe ng Cabanatuan, ang napatay na si Jaime Natividad, 57-anyos na may negosyong furniture sa nasabing lugar. Sinabi ni Agonoy, nag­responde si PO3 Francis Bayona sa sunud- sunod na putok sa bahay ni Nati­vidad dakong alas-7:30 ng umaga at doon nadatnang naliligo na sa sariling dugo si Leonila Natividad, 47, sa harap ng mister.?

Sa halip na sumuko, nakipagpalitan umano ng putok si Jaime  sa pulis kaya siya napuruhan. ?

Isinugod ni Bayona ang mag-asawa sa Cabana­tuan Family Hospital su­balit kapwa idineklarang patay. ?

Pininiwalaang selos ang dahilan sa pamamaril ng trader sa misis at nagkataong nagpapatrolya si Bayona sa lugar nang mangyari ang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with