PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 ‘pusher’ bulagta sa parak

Ang dalawang drug suspect na napatay matapos na makipagbarilan umano sa mga pulis. Kuha ni Jonie Capalaran
 

LIMAY, BATAAN  , Philippines – Dalawang hinihinalang drug pusher na nag-ooperate sa mga bayan ng Orion at Limay at may bitbit na mahigit P2 milyong cash, droga at mga baril ang napatay makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba sa buy-bust operation sa Sityo Peas, Barangay Duale Limay, kamakalawa ng gabi. Nakilala lamang ni Bataan Police Director P/Sr. Supt. Benjamin Silo Jr. ang isa sa dalawang napatay na isang alyas Rey. Sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Limay Police, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at PDEA-RO3 sa pamumuno ni P/C.Insp. Madtaib Jalman, hepe ng Limay Police Station, nanlaban umano ang dalawa nang makatunog na pulis ang kanilang ka-transaksyon sanhi ng putukan nang magtangkang tumakas sa Sitio Peas dakong alas 8:30 ng gabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: