PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

10 ‘terorista’ todas sa encounter

MANILA, Philippines -  Sampung lawless elements o mga teroristang grupo ang napaslang habang walo pa ang nasugatan sa pakikipagbakbakan sa tropa ng militar at pulisya sa Sitio Mantisao, Brgy Bual, Isulan, Sultan Kudarat nitong Huwebes.

 Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, Commander ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang bakbakan sa pagitan ng kanyang mga tauhan at teroristang grupo.

Aniya, ang nakasagupa ng kanyang mga tauhan ay ang nagsanib puwersang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Maute terrorist groups at iba pang bandidong grupo sa lugar. 

Kasalukuyang isinisilbi ng Army’s 33rd Infantry Battalion (IB) at pulisya ang search warrant laban sa mga armadong lawless elements nang magpaputok ang mga kalaban na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig na ikinasawi ng 10 bandido habang walo naman ang nasugatan.

Nasugatan naman si Sgt. David Desidario ng Division Reconnaissance Company sa sagupaan subalit idineklarang nasa ligtas nang kalagayan. Ang bandidong si Abdul Magid Logioman alyas Black Moro, 41, ay nasakote rin at nakumpiskahan ng isang M653 rifle.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: