PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Resbak: 2 utas sa pananaga!

Killer ng ama, inatado ng anak

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  – Dahil sa matinding alitan, dalawa katao ang patay sa pananaga nang rumesbak ang isang 23-anyos  na lalaki laban sa umatado at pumatay sa kanyang tatay sa Sitio Kape, Brgy. Basicao Coastal, Pio Duran, lalawigang ito kamakalawa ng umaga. Kapwa idineklarang dead-on-the-spot dahil sa malalalim na tinamong sugat ang magkaaway na sina Manuel Patiam Sr., 62-anyos at Dominador Pautan habang nakilala ang mga suspek na sina Manuel Patiam Jr., 23, at Margel Rivera, 25, pawang residente ng nasabing barangay. Sa ulat ni C/Insp. Arthur Gomez, ng Albay Police, dakong alas-6:45 ng umaga nang unang mapatay ni Pautan si Manuel Sr. matapos niyang abangan at pagtatagain habang nagsasalok ng tubig sa isang balon ang huli. Kusa namang sumuko sa kanilang barangay chairman na si Esteban Dela Punta Jr. si Pautan matapos ang pagpatay pero nang mabalitaan ni Manuel Jr. ang nangyari sa tatay, agad siyang kumuha ng itak at kasama ang kamag-anak na si Margel Rivera, sinugod si Pautan sa bahay ng kapitan. Dito, walang nagawa ang kapitan nang pagtulungan at walang habas na pagtatagain si Pautan na nagkaputul-putol pa ang braso dahil sa pagsalag sa itak ng mga suspek. Matapos mapatay si Pautan, mabilis na tumakas sina Manuel Jr. at Rivera.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: