PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5 ‘tulak’ utas sa Davao shootout, 21 naaresto

MANILA, Philippines -  Limang hinihinalang notoryus na drug pusher ang napaslang habang 21 pa ang nasakote nang mauwi sa barilan ang anti-drug operations ng pulisya sa ilang barangay sa Davao City kahapon ng umaga. Sa ulat ni Davao City Police chief P/Sr. Supt. Alexander Tagum,  nagsimula ang pagsalakay bandang alas-5 ng umaga kung saan nanlaban umano ang limang drug pushers na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang naaresto ang 21 iba pa na umano’y tulak at gumagamit ng illegal na droga. Ang raid ay base sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng korte laban sa mga target na suspek. Nakumpiska sa raid ang 81 gramo ng pinaghihinalaang shabu, anim na handguns  at dalawang eksplosibo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: