PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lasing na parak, namaril: 2 patay, 1 pa sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang obrero ang pinabulagta ng isang bagitong pulis, habang isa pa ang nasu­gatan sa gitna ng kanilang inuman sa bahay ng mga biktima sa Brgy. Santiago, San Fernando City, La Union Miyerkules ng gabi. 


Kinilala ni Chief Insp. Silverio Ordinado Jr., taga­pagsalita ng La Union PNP ang mga nasawi na sina Willy Fernando, 48 at Joseph Balanag, 35 habang isinugod naman si Christian Fernando, 23 sa Ilocos Training and Regional Medical Center.


Nadakip naman sa follow up operation ang suspek na pulis na si PO1 Ricardo Rillo na nakatalaga sa Police station ng San Fernando City.

Sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng pag­tatalo sa pagitan ng biktima tungkol sa lupa na nauwi sa pag­ratrat ni Rillo sa mga kainuman bago ito tumakas at di naglaon ay nadakip.

Patuloy pa ring sini­siyasat ng pulisya ang kaso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: