PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sundalo na ‘tulak’ ng droga, utas sa drug operation

COTABATO CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang sundalo matapos itong manlaban sa isinagawang drug operation ng Koronadal City PNP pasado alas-7:55 ng gabi sa Purok ML Quezon, Brgy. San Jose, Koronadal City sa lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ni City Anti-Drug Abuse Council Action Officer Glorio Sandig ang namatay na suspect na si PFC Richie Toledo Librado, 41, miyembro ng AFP 33rd IB at residente ng Purok Boundary sa nasabi ding barangay.

Nahuli naman ang mga kasamahan nito na sina Herbert Deloso, alyas mayong, 32-anyos, at Ericson Ligaya, 27. Kasama rin sa nahuli si Ronald Anta.

Nakuha naman sa mga suspect ang mga pakete ng shabu, 1 rifle, 1 caliber 45 pistol at drug paraphernalia.

Sugatan din sa operasyon si Senior Inspector Ramil Aruelo ng Koronadal City PNP matapos ngang manlaban ang mga suspect.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: